Tuesday, May 6, 2008

nang minsang magcomment ako sa kamote

isang araw naisipan kong magcomment sa blog ng isa sa mga paborito kong writer

sabi ko..
bakla...may lovelife ka na???sino si eddie, teddy..tama ba??sino yun??ui, musta ka na..ang hirap masulat lately... nagcomment ka kasi..wehehehe.. anyway, my work ka na ba??? ang hirap mabuhay no?? kaylangan talaga laging may problema kasi kung walang problema, wala ring kwento (sabi yan ni ricky lee)...nagiisip din ako, lyk u qng ano ba talaga yung gusto ko..but unlike u, wala 'kong khet kapirasong idea kung anong gusto kong gawin tapos parang wala rin akong kabalak balak na ipursue ung gusto ko sakali mang malaman ko kung ano yun lalo na pag naiisip ko na kakaylanganin kong talikuran ang kinalalagyan ko ngayon na sobrang pinaghirapan ko bago ko makuha...kaduwagan ba 'to o kabobohan,hindi ko alam..ang hirap magdecide, pero ikaw..nakapagdecide na at pinangatawanan mo, da vah! hai...kaya 'to..at least ikaw may panagrap kaya alam mo kung saan ka pupunta..ako nga walang pangarap eh... hai ulet.,..

sabi niya...
lovelife? uhm ewan ko, lovelife ba 'to o ilusyon na naman. si eddie, yung client na sinasabi ko sayo nung last time na magkatext tayo. ewan ko, gusto ko sya, more than i like anyone else before. para kasing nasa kanya na lahat ng gusto ko...perpekto sya para sa kin... pero narealize ko lang na hindi naman talaga ako yun gusto nya kundi yung character na gawa-gawa ko lang. nevertheless, hindi kami para sa isat-isa. nalungkot talaga ako ng ilang linggo, isang buwan, parang sasabog dibdib ko sa kalungkutan dahil sa kanya at sa sarili ko at sa iba pang mga bagay. ngayon, ako musta na? nagpapatuloy kahit mahirap. hindi ok pero ayus lang. nakakapagod na kasi, paulit-ulit na lang ang mga pangyayari parang hindi umiikot yung mundo. nakakasawa na. minsan gusto kong sumigaw, di ko naman magawa baka sabihin nila agaw eksena ako.wala kang ideya kung anong gusto mong gawin? naiintindihan kita. naramdaman ko rin yan dati bago ako dumating sa puntong ganito na kabaliw. gusto mo ba yun ginagawa mo ngayon? uhm hindi ka naman kelangan magmadali alamin kung ano talaga yun gusto mong gawin kasi kusang babagsak na lang yan sa ulo mo parang ulan. u know it would come pero hindi yung eksaktong oras. kung gusto mong maligo sa ulan at namnamin yung bawat patak nito sa balat at buong pagkatao mo, hindi mo iisipin kung ano yun sasabihin ng tao sa paligid, hindi mo iintindihin kung para kang basang sisiw sa karimlan. wala kang pakialam basta gagawin mo yung gusto mo, ang maligo sa ulan. Pero minsan gusto mong maligo sa ulan pero ayaw mong mabasa. hindi ibig sabihin nun na bobo ka, it makes sense eh, ayaw mong mabasa, ayaw mong madumihan ng ulan yun damit na pinaghirapan mong labhan at plantsahin. kaduwagan? maaari, kung takot kang mabasa, takot kang pagtawanan ng mga tao sa paligid mo, at takot kang mabasa ang damit na pinaghirapan mong downy-han at plantsahin. pero kasi sa bandang huli, ikaw din ang magdi-desisyon kung gusto mong maligo sa ulan o hindi. it's a choice, not stupidity nor cowardness. it's your choice. balang araw malalaman mo din kung ano yun gusto mo talagang gawin, at hindi mo sasabihing wala kang kabalak-balak na ipursue yun gusto mong gawin...pagiisipan mo yun ng daan-daang beses. pramis! pero gaya ng sabi ko, sa huli ikaw pa rin ang magdi-desisyon, kung anuman ito, siguraduhin mo lang na wala kang pagsisisihan pagdating ng araw, yun tipong kahit lola ka na,when u look back u knew u made the right choice, walang halong pait at pagkagapi...

sabi ko ulet...
ang lalim ng mga sinv u..tagalog ba yun??hehe..but u're right.. kaya lang kasi may mga taong namatay na't lahat hindi pa rin nalaman kung anong gusto nila--para saken nakakatakot yung ganon..dapat kasi ata hinahanap yun at hindi sya laging kusang darating..oh kusa nga ba yung dumarating...hai..ano ba yan! parang lovelife pala ang pangarap...puro hakahaka lang ang meron ka sa kung ano yon tas malalaman mo nalang kung ano talaga sya pag nanjan na..hindi kaya lovelife lang din talaga ang pinapangarap naten('ko' lang pala)(?!)..pinangalanan ko lang ng iba..oi..hindi ko padin alam kung kamusta ka na??work ka na ba??saan??

eto ang magandang halimbawa ng mga taong nagpapalitan ng kurokuro habang lasing..

No comments: