Saturday, May 24, 2008

another soul somewhere in the universe

funny how one must end something that has never really started...

my parents said thier peice about him. on what they thought of him, and i guess they were right. i've been a certified maldita and matigas ulo type daughter. but despite of that, may parents' opinion still matters to me. in fact, it matters so much..

well, i guess i've known long before but i keep on denying it even to myself. i made myself believe na he's a fine guy..

we've been happy together..sa kanya ko kasi nafeel yung---joy?? yung feeling pa parang happy at contented even with a simple exchange of words lang.. sya kasi yung nakita yung dark sides ko pero nandyan parin.. nakakita na ng better girls pero nasakin parin...or siguro it has something to do with us being friends...

naisip ko noon na neglecting him is a bad thing to do kasi naisip ko na baka kaya ko ayaw sa kanya kasi alam kong hindi sya mawawala... bad thing kasi baka kaya ko ginagawa yon dahil tinuturing ko syang last resort pag wala na talagang iba..

pero pano kung ayaw ko talaga sa kanya??

na baka kaya hindi ako makabitaw sa alaala nya kasi sya lang ang meron ako.. sya lang ang nakakita ng disgusting side ko pero nagstay parin..na baka natatakot lang ako na no one else will accept me like he did...

but he can never be brave enough... he had always been immature..and he's getting worse..

ito ba yung love??or am i obliging myself to love him kasi baka wala ng ibang tulad nya or wala ng ibang dumating?? but if he can't be brave enough to face me, how can he be brave enough to love me? oo, siguro nga, hindi ko sya binigyan ng chance..

tama, may kasalan ako..may kasalanan din sya.. and maybe fate had made its move for us not to be together.. and it actually doesn't feel right.. the idea of us--together..
akala ko kilala sya ng hypothalamus ko..pero parang hindi?? or dahil ba 'to sa distance na naghiwalay saming dalawa..

naguguluhan ako.. one moment maiisip ko sya and mag wowondering if naiisip nya ba 'ko..tapos another moment iba na naman ang maiisip ko...

tama..kung hindi pwede hindi nga siguro pwede.. at kung hindi ka masaya sa isang bagay hindi dapat pilitin ang sarili...

Monday, May 12, 2008

nang gumala ako sa friendster...

i've seen G and E's pic sa friendster... isang makabagbagdamdaming pose.. they look like a promising couple(puro promise) hmm..it's complicated daw, but i wonder what lourdes would say...
i remember my older post..dito ba yun?? ung taong nagdecide to choose life and choose a good one..
kinaain na ng takot..
nawala na...
namundok na..

medyo nainggit ako kay G kaya iniisip ko nalang uli si ------- tas nalungkot lang lalo ako... hindi laging bumabalik ang mga taong piniling umalis...

minsan aalis din siguro ako sumwer,,hahanap ng totoong buhay sa labas..

i thought my liberation could make me happier--or in the most, happy.. but i don't think this is liberation yet...

Saturday, May 10, 2008

wish me luck

what i'm about to do requires a lot of courage...so wish me luck.shocks..nakakakaba talaga.. i know it's not actually so much of a big thing..ia add ko lang naman sya sa friendster...is that so difficult,huh? but 'goodness, it is..hai..wag nalang kaya?? if jane's here she'd say "go" .. so shall i go??i've read his profile kanina. i've noticed a testimonial there na naoverlook ko dati..a girl's involved? or perhaps, she's a girl.. he's liking someone else..the testimonial was dated last year so he's been liking the girl even before we've met..hmmmmmm... wag nalang kaya?? coward! hmp! you're a coward,zaia...

Friday, May 9, 2008

hmm...what to say??well, yes, I'm still upset about some things..
hayyyy... i just hope that i can feel better soon.. minsan naguguluhan parin ako..
people tend to like people who like them..nasabi ko na ba 'to dati?? naisip ko lang, totoo ngang flattery is a powerful tool. know how to use it and it can move the world...
alam ko kung ano ang gusto ko... o siguro sa tingin ko gusto ko na.. noon sabi ko ite take ko yung risk pero ngayon nagdadalawang isip ulet ako.. tama, hindi nga siguro pwedeng maging pefect ang lahat pero at least siguro, hindi ko naman kaylangan maging miserable.. nakaasar parin dahil may mga bagay na kaylangan ko paring pagdaanan.. nakakaasar kasi may mga taong harsh talaga at ang mas nakakaasar don, kasi hindi mo naman sila masisisi...
siguro tinest din ako ni God minsan at ayon nga, i failed the test..i've been harsh din kahet na alam ko kung ano yung feeling na maging subject ng ganong klaseng harshness..
nakakaasar..
nakakaasar talaga...

Tuesday, May 6, 2008

nang minsang magcomment ako sa kamote

isang araw naisipan kong magcomment sa blog ng isa sa mga paborito kong writer

sabi ko..
bakla...may lovelife ka na???sino si eddie, teddy..tama ba??sino yun??ui, musta ka na..ang hirap masulat lately... nagcomment ka kasi..wehehehe.. anyway, my work ka na ba??? ang hirap mabuhay no?? kaylangan talaga laging may problema kasi kung walang problema, wala ring kwento (sabi yan ni ricky lee)...nagiisip din ako, lyk u qng ano ba talaga yung gusto ko..but unlike u, wala 'kong khet kapirasong idea kung anong gusto kong gawin tapos parang wala rin akong kabalak balak na ipursue ung gusto ko sakali mang malaman ko kung ano yun lalo na pag naiisip ko na kakaylanganin kong talikuran ang kinalalagyan ko ngayon na sobrang pinaghirapan ko bago ko makuha...kaduwagan ba 'to o kabobohan,hindi ko alam..ang hirap magdecide, pero ikaw..nakapagdecide na at pinangatawanan mo, da vah! hai...kaya 'to..at least ikaw may panagrap kaya alam mo kung saan ka pupunta..ako nga walang pangarap eh... hai ulet.,..

sabi niya...
lovelife? uhm ewan ko, lovelife ba 'to o ilusyon na naman. si eddie, yung client na sinasabi ko sayo nung last time na magkatext tayo. ewan ko, gusto ko sya, more than i like anyone else before. para kasing nasa kanya na lahat ng gusto ko...perpekto sya para sa kin... pero narealize ko lang na hindi naman talaga ako yun gusto nya kundi yung character na gawa-gawa ko lang. nevertheless, hindi kami para sa isat-isa. nalungkot talaga ako ng ilang linggo, isang buwan, parang sasabog dibdib ko sa kalungkutan dahil sa kanya at sa sarili ko at sa iba pang mga bagay. ngayon, ako musta na? nagpapatuloy kahit mahirap. hindi ok pero ayus lang. nakakapagod na kasi, paulit-ulit na lang ang mga pangyayari parang hindi umiikot yung mundo. nakakasawa na. minsan gusto kong sumigaw, di ko naman magawa baka sabihin nila agaw eksena ako.wala kang ideya kung anong gusto mong gawin? naiintindihan kita. naramdaman ko rin yan dati bago ako dumating sa puntong ganito na kabaliw. gusto mo ba yun ginagawa mo ngayon? uhm hindi ka naman kelangan magmadali alamin kung ano talaga yun gusto mong gawin kasi kusang babagsak na lang yan sa ulo mo parang ulan. u know it would come pero hindi yung eksaktong oras. kung gusto mong maligo sa ulan at namnamin yung bawat patak nito sa balat at buong pagkatao mo, hindi mo iisipin kung ano yun sasabihin ng tao sa paligid, hindi mo iintindihin kung para kang basang sisiw sa karimlan. wala kang pakialam basta gagawin mo yung gusto mo, ang maligo sa ulan. Pero minsan gusto mong maligo sa ulan pero ayaw mong mabasa. hindi ibig sabihin nun na bobo ka, it makes sense eh, ayaw mong mabasa, ayaw mong madumihan ng ulan yun damit na pinaghirapan mong labhan at plantsahin. kaduwagan? maaari, kung takot kang mabasa, takot kang pagtawanan ng mga tao sa paligid mo, at takot kang mabasa ang damit na pinaghirapan mong downy-han at plantsahin. pero kasi sa bandang huli, ikaw din ang magdi-desisyon kung gusto mong maligo sa ulan o hindi. it's a choice, not stupidity nor cowardness. it's your choice. balang araw malalaman mo din kung ano yun gusto mo talagang gawin, at hindi mo sasabihing wala kang kabalak-balak na ipursue yun gusto mong gawin...pagiisipan mo yun ng daan-daang beses. pramis! pero gaya ng sabi ko, sa huli ikaw pa rin ang magdi-desisyon, kung anuman ito, siguraduhin mo lang na wala kang pagsisisihan pagdating ng araw, yun tipong kahit lola ka na,when u look back u knew u made the right choice, walang halong pait at pagkagapi...

sabi ko ulet...
ang lalim ng mga sinv u..tagalog ba yun??hehe..but u're right.. kaya lang kasi may mga taong namatay na't lahat hindi pa rin nalaman kung anong gusto nila--para saken nakakatakot yung ganon..dapat kasi ata hinahanap yun at hindi sya laging kusang darating..oh kusa nga ba yung dumarating...hai..ano ba yan! parang lovelife pala ang pangarap...puro hakahaka lang ang meron ka sa kung ano yon tas malalaman mo nalang kung ano talaga sya pag nanjan na..hindi kaya lovelife lang din talaga ang pinapangarap naten('ko' lang pala)(?!)..pinangalanan ko lang ng iba..oi..hindi ko padin alam kung kamusta ka na??work ka na ba??saan??

eto ang magandang halimbawa ng mga taong nagpapalitan ng kurokuro habang lasing..

Monday, May 5, 2008

gone

i deleted the link that connects this blog to my friendster..perhaps this is safer now..or maybe it had always been safe..afterall wala namang ibang babasa except kay yin (na ang tunay na panagalan ay yang)
so, kamusta na 'ko???
eto..dati padin..
lately, wala akong maisulat na maganda..the last time bumili ako ng bagong notebook para samen ni God tapos wala naman akong masulat na maganda... mabuti pa yung dati naming notebook na kahit na reuse kamangha mangha naman ang mga nakasulat...

kamusta ka na ha?? kamusta ka naba?? may sinabi si yang tungkot sa ulan at dun sa ayos lang kung ayaw mong mabasa.. syempre nga naman pinaghirapan mong labhan yung damit mo tapos dinowny mo pa tapos babasain mo lang...

i dreamed for this company.. i prayed for this to be mine.. and it seems that the world had conspire with me nga kasi kahit parang hindi na eto parin ako...

i told God na kahet ito yung gusto ko sana yung gusto nya parin ang mangyari...ito kaya yung gusto ni God?? hindi kaya nakulitan lang sya saken?? or naawa kaya.. ewan ko...

ang alam ko wala akong pangarap..pero kahet ganon gusto ko paring may marating.. sabi sa isang corning kanta, ' people alone may go very fast but maybe not so far' daw.. absolutely true..

wirdo ka nga siguro kung hindi ka marunong mahome-sick... wirdo ka nga kung gusto mo ng pagbabago pero ayaw mong iwan ang meron ka ngayon.. kaylangan naming magusap ni God tungkol sa isang bagay.. kaylangan na kasi talaga...